Naniniwala ka ba na pwedeng kumita sa internet?? Mahilig ka mag sulat ng kung anu anung bagay na kinahihiligan nyo?? Pa-Upo upo lang, pa type type lang tungkol sa bagay na interesado ka. Hindi masamang subukan ang pag ba-blog! Ako nag eenjoy ako sa pag ba-blog kasi nai-shashare ko sa mga taong gumagamit ng internet kung anong kinahihiligan ko na pwede nilang makuhanan ng impormasyon. Sa pag ba-blog rin pwede kang kumita sa pag lalagay ng ads sa blogsite mo.
Hindi ko sinasabing pro na ako sa pag ba-blog, bigla ko lang pumasok sa isip ko na kung ako na isang average student lang kumikita ng kahit konti sa paganito ganito panu pa kaya ung ibang professional o ung iba na malawak ang isipan dyan na pwedeng gawin itong pag sulat sa blog.
Pumasok sa isipan kong i-post to dahil nung una kong nakuha ung pera galing sa google, masayang masaya ako dahil sa pag-sisikap at pag-hihintay ko ng matagal na panahon e nagbunga naman. Hindi man kalakihan sa iba ung nakuha ko pero sakin malaking bagay na dahil wala naman akong ginastos, siguro kuryente, internet pero hindi naman ako nag babayad nun diba, tska hindi lang naman pag boblog ang ginagawa mo pag gumagamit ka ng kuryente at internet.
Itong pag ba-blog minsan nakakatamad, minsan nakakagana. Bakit? Dahil tuwing pupunta ka sa blog mo may mag cocomment sa post mo. Nakakagana un sa mga bloggers kasi alam nila na hindi nababalewala ang pag sulat nila sa blog nila. Kung alam lang ng readers ang hirap ng pag post ng isang article. Kailangan itong pagandahin para maaliw ang mga mambabasa.
Nakakatamad minsan, bakit? Well, nasa mood ng tao yan. Pag alam mong hindi nila nababasa ung article mo, parang nasayang lang ung pinag hirapan mo, pero sa totoo lang kahit minsan nakakatamad masaya parin, kahit alam mo na walang nag babasa ng sinulat mo natutuwa ka dahil naka lagay ito sa blog mo at kahit anung oras pwede nilang mabasa ito.
Sa pag ba-blog ba may kaylangan gastusin?
Kung hindi ka maarte at nasa loob mo ang pag sulat ng articles, well BLOGGER.COM ang bagay na blogging platform ang para sayo! Kasi para saakin ito na ang pinaka madaling gamitin na platform at may adsense na sya.
Kung gusto mo ng mas madaming traffic at mas kaledad na pag ba-blog, dyan na ngaun papasok ang webhost at domain name na kailangan mo.
Paano kumita sa Pag ba-blog?
Kung nag-sisimula ka palang na hindi ka determinado at walang pasensya sa ganitong hobby, pwes itigil mo na at mag hanap ka ng ibang mapagkikitaan, dito kelangan talaga ng mahabang mahabang pasensya. Hindi ito regular na trabaho na every month may sweldo ka. Ako inabot ng 3 YEARS! bago makuha ang unang sweldo pero worth it talaga lalo na sa studyanteng tulad ko. Ngaun medyo bumibilis na ang kita ko sa adsense.
Simple lang kumita, mag register ka sa BLOGGER.COM at sa Google Adsense. Sa blogger ka mag susulat at ang Google adsense ang gagawa ng pera sa blog mo! Madami pang ibang katulad ng adsense na pwede mong pag registeran. Tulad ng nuffnang.com at infolinks.com. Yan ang ibang legitimate na money making sites.
Pano ko papataasin ang traffic ng website ko?
Kung sa pag papataas ng traffic, mahirap talaga yan, madami kang kakumpitensya sa internet. Halimbawa, tungkol sa gadgets and blog mo, Sa ibang bloggers palang matatalo ka na siguro, pero wag mag alala, kung kaya mong mapaganda at ma-originate ang iyong article, siguro mas madaling mapupuntahan ang blog mo.
Isa pang technique ang pag ba-blog walk, Simple lang, pumunta ka sa ibang blog, mag comment ka sa post nila na syempre dapat nakalagay ung link ng blog mo. Okaya sa mga may chatbox sa gilid. Mag sabi ka lang ng "GOOD MORNING!, Have a nice day! :)" babalikan na nila yang blog mo.
Try nyo lang mga kaibigan, baka sakaling mag enjoy kayo sa pag ba-blog may kakayahan pa kayong kumita ng pera online!
Pera sa Blog??
Posted by
Big Brother
Tuesday, April 3, 2012
Labels:
Blogsphere,
Computers,
Small Time Online Jobs
0
comments
Subscribe to my blog via email
Popular Posts
-
Share ko lang tong napakinggan ko, Ang alam ko na feature na to sa T.V. Hahaha astig talaga ng mga pinoy pag dating sa rap. Hanga ako sa...
-
If you are aware of Mo Twister and Rhian Ramos controversial videos spreading in the internet then here are some of the videos, just want to...
-
PBA 2k11 is a fun to play basketball game especially for those who know the basketball league's in the Philippines, PBA, NCAA, and UAAP ...
0 comments:
Post a Comment