Thank You 2011... Welcome 2012!

Natapos nanaman ang isang taon ng saya, lungkot at pagsubok. Sa pag tatapos ng 2011, hindi ko masasabing malaki ang ipinag bago ko pero dahil sa mga experience na nangyari sa taong ito, may mga natutunan akong aral na pwede kong balikbalikan at gawing way para magbago o mag mature ako.

Ishashare ko lang sainyo ang mga masasayang moments na kasama ko ang mga mahahalaga at mga mahal kong tao sa buhay.


Masaya ako na natapos ang 2011 ko na wala akong masyadong naging malaking problema sa buhay ko. Itong mga picture na ishashare ko ay ilan lamang sa mga masasaya na mahahalagang events at happenings na kasama ko ang aking mga kaibigan at pamilya.

Bago pa man magsimula ang taong 2011, napaisip ako kung anong bagay ang dapat kong magawa para atleast may mabago sakin. Isa sa mga balak ko ay ang mag papayat. Sa aking pag susumikap nabawasan ako ng 20+ pounds, from 180lbs - 153lbs(70kilos). Hindi ko inaasahan na sa pagtatapos ng aking high school life saka ko palang naisip nagawin ang pagbabagong ito. Ang natutunan ko sa pagpapapayat na ito ay disiplina at pasyensya dahil kung pag katapos mo mag work-out, kung gabundok na kanin ang kakainin mo edi parang wala rin ang pinag hirapan mo. Pasyensya dahil hindi lang isang work-out mo e papayat ka na, ito ay mahabang proseso.

Isa pa sa pinaka masayang araw ko ay ang graduation day. Syempre naman dahil pagkatapos na ng lahat ng pinag hirapan mong aralin sa high school, finally masusulikaan na diba. Wala man akong naging honor or medals ito parin ang pinakamasayang nangyari ng 2011. Sa una kinakabahan ako dahil baka hindi ako makagraduate, pero dahil sa pag aakala kong iyo, naging mas maligaya ako.

Marami pang mga naganap sa buhay ko nung 2011, minsan masaya, minsan malungkot, pero lahat ng ito ay ala-ala nalang at paghuhugutan ko ng lakas para sa bagong kabanata ng bagong taon!

Salamat sa mga naging bahagi ng buhay ko, mga kaibigan at sa pamilya.

Happy and Memorable Moments With My High School Friends:
(Click Image to enlarge)














Happy and Memorable Moments with my College Friends:









 






Happy and Memorable Moments with my family:













0 comments:

Post a Comment

Subscribe to my blog via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Popular Posts